Ano ba ang Avian Influenza?



Paano maiiwasan ang Avian Influenza?


Sherwin Camba, DVM, PhD
Poultry Veterinarian
2020.02.06

Ano ba ang Avian Influenza? 

Ang Avian Influenza (AIV) ay isang mapaminsalang sakit ng mga manok (chickens), pugo (quail), at pabo (turkey). Ito ay nagdudulot ng agarang kamatayan sa apektadong ibon sa loob lamang ng 12 oras hanggang 3 araw. Ang kabuuang flock or grupo ng manok ay amaaring matupok sa loob lamang na 14 na araw. Ang AIV ay may posibilidad na mapasa sa tao (zoonotic) kaya mahalaga na i-report natin sa otoridad kung may mga suspected case ng AIV sa inyong mga farm.

Mga sinyales ng AIV sa mga pugo (quails) larawan mula kay Perkins and Swayne.
Mga sinyales ng Avian Influenza sa mga manok (chickens)





Ang sakit na AI ay dulot ng isang virus na tinatawag na Avian Influenza Virus type A (AIV). Maraming tinatawag na "subtypes" mula H5 to H16. Ngunit, ang pinakamapinsalang grupo ay mula sa grupo ng H5 at H7 (tulad ng H5N1, H5N3, H5N6, H7N7...). Ang virus na ito ay kadalasang dinadala ng mga migratory na ibon (wild swan and ducks) galing Siberia or bandang tsina. May iba rin siyetipiko na naniniwala na ang virus na ito ay sadyang laganap kahit saang bansa na nasa malalamig na lugar.

Ano ang sinyales ng Avian Influenza?

Ito ang mga kadalasang sinyales na may AIV ang inyong manukan:
  • Maraming patay na manok sa loob ng isang araw (very high mortality).
  • torticollis
  • Puro pagdudugo sa lamang loob (hemorrhages)
  • Sipon at halak.
  • Pagdudugo mula sa ilong o sa tuka.

Paano napapasa ang AI virus?

Ang virus ay maaring mapasa mula sa dumi ng isang infected na manok at airborne.

Anong gamot o proteksyon laban sa AIV?

May mga anti-viral na gamot sa tao na available pero hindi pa napapatunayan na epektibo ito sa mga manok. Hindi rin alam kung ligas ang mga anti-viral na gamot sa mga alagang manok natin.

Bakuna? Walang bakuna laban sa AIV sa Pilipinas dahil iniiwasan ang pagkalat ng vaccine strain na AI virus.

Mainam na panatilihing malakas ang resistensya ng manok at iwasan o limitahan ang stress. Vitamins sa inuming tubig.

Panatilihin na malinis ang kapaligiran at limitahan ang access sa farm mula sa ibang tao or mga wild na hayop.


Kung may katanungan kayo at mungkahi sa awtor, mag-comment lang sa ibaba:

Reference

Perkins and Swayne (2001). Pathobiology of A/Chicken/Hong Kong/220/97 (H5N1) Avian Influenza Virus in Seven Gallinaceous Species.

Comments