BASAHIN AT I-SHARE: SAKIT NA MYCOPLASMA sa MGA MANOK
LARAWAN NG MGA SENYALES NG SAKIT NA MYCOPLASMA SA MGA MANOK |
SAKIT NA MYCOPLASMA SA POULTRY
Ano ba ang Mycoplasma?
Maaring narinig niyo na ang katagang MYCOPLASMA. Sa mga commercial ng mga antibiotiko at mga seminar na ginagawa ng iba't-ibang mga kumpanyang nagbebenta ng mga gamot panabong, palaging nababanggit ang makapinsalang sakit na ito.
Ito ay isang napakaliit na organismo na nagdudulot ng matinding sipon at halak na matagalan sa mga manok. Paminsan-minsan nagkakaroon rin ng pamamaga ng mukha na maikukumpara sa Coryza. Pero ang pinakatinatamaan ng sakit na ito ay yung lungs (baga), trachea, airsacs, at nasal cavity (ilong). Matinding pinasala ang ginagawa ng Mycoplasma sapagkat sinisira nito ang mucus membrane or pangunahing proteksyon na yung lining ng daanan ng hangin papuntang baga. Matinding pneumonia rin ang makikita at ang pagkakaroon ng fibrous or parang puti sa heart (puso) at liver (atay). At dahil sinira na ng Mycoplasma ang panguhing proteksyon sa katawan ng manok kaya yung ibang mga mikrobyo tulad ng E. coli o Pasteurella ang dumadami at aatakihin kaloob-looban ng pangunahing organ sa katawan ng manok. Malaki ang tsansta na mamatay ang manok dahil sa matinding hirap ng paghinga at impeksyon dulot ng E. coli at Pasteurella sa baga, puso at atay.
Mycoplasma ay mukhang fried egg o pwede ring nipple ng babae |
Ano ba ang dahilan kung bakit may Mycoplasma ang aking manok?
Isang dahilan ay ang maduming kapaligiran ng inyong manukan. Maari din dinadala ng mga wild na ibon ang mikrobyong Mycoplasma at pinapasa sa inyong alaga sa pamamagitan ng airborne, sa patuka at tubig. Isa ring dahilan ay yung breeder na may sakit na Mycoplasma, sapagkat napapasa sa itlog ang sakit na ito papunta sa mga sisiw. Kaya mula sisiw palang pwede na mapasa ang Mycoplasma at bibilangin lang ang 14 to 30 na araw bago makitaan ng senyales tulad ng sipon, halak, panghihina at mismong biglaang pagkamatay.
Ano ba ang unang dapat gawin para maiwasan ang sakit na ito?
Una sa lahat, dapat palagiang obserbahan ang inyong mga manok araw araw kung may senyales ang mga ito tulad ng sipon at halak. Kung ginamot niyo na at hindi gumaling, posibleng malala na ang sitwasyon nito. Tumawag kayo ng Beterinaryo upang masuri maigi ang mga tinamaang manok at para marekomendahan ng bakuna. Pwede niyo ipalaboratoryo sa mga Veterinary Diagnostic Lab para macheck kung may Mycoplasma ang mga breeders niyo.
Magagamot ba ang sakit na ito?
Pahirapan ang gamutan, kasi kahit bigyan mo ng Antibiotic o gamot ng Mycoplasma, posibleng hindi mapatay lahat sa loob ng katawan dahil kaya ng Mycoplasma magtago sa mga airsacs at iba pang organ sa katawan ng manok. Posibleng mawala lang ang senyales pero muling babalik kapag na-stress ang alaga niyo tulad ng sa pagcocondition. Posibleng hindi maganda ang takbo ng training ng mga manok na may mycoplasma dahil hirap ito sa paghinga.
Napakaimportante na masiguro na walang Mycoplasma ang mga breeders niyo, contact niyo lang ang mga beterinaryo na kakilala niyo upang magawan ng paraan ang sakit na ito. May strategy sa pag-control ng sakit na ito.
Kung may iba pang katanungan, maaring magmessage kayo sa email or sa Facebook: Dok Sherwin
Dok paano ba magagamot or my gamot poh ba sa manok na umiitim ang mukha pag isasabong kasi kahit kunting galaw ng manok ko umiitom ang mukha nito at hirap siyang huminga
ReplyDeleteMaraming salamat sa iyonng at tanong. Maaring "umiitim" ang mukha ng mga manok kapag sinasabong dahil sa daloy ng dugo dulot ng agarang reaksyon o stress. Yung hirap sa paghinga ay indikasyon ng problema sa daanan ng hangin o kaya sa baga nito. May posibilidad na nagkaroon ng sakit sa baga ang iyong manok nung bata pa ito at tuluyan nadala hanggang pagtanda. Maraming dahilan kung bakit nagkakasakit sa baga or pulmunya ang mga manok tulad ng virus, bacteria at mycoplasma.
DeleteDok pano kung sure na ang sakit ng manok ay mycoplasma anu pong gamot ang dapat gamitin?
ReplyDeleteang mga gamot na nkakapatay ng mycoplasma ay tylosin at tiamulin. may bakuna rin na pwede ibigay
DeleteAnung bakuna and pwedr sa manuk n may mycoplasma doc
Deleteang mycoplasma ay meronng live vaccine at killed vaccine.
DeleteDok anu pong tawag sa sakit ng manok may butlig po malapit sa mata, anu din po ang pede igamot dito... Salamat po
ReplyDeleteMaaring fowl pox iyon. ito ay nakkahawa sa ibang manok. magbigay ikaw ng bakuna sa mga hidni pa tinatamaan
DeleteDok ano poh ang sakit nga Manok qo na lomalaylay ang olo at may bula bula Yong bibig..pano ito Gamitin..salamat,.
ReplyDeleteDok ano po pinaka mabisang gamot sa sisiw na may malalang sipon???
ReplyDeleteDok anu mangyayare pag di nabakunahan ang manok
ReplyDeleteManok ko po doc ayaw imulat yong mata parang ang bigat ng ulo nya .
ReplyDeleteDoc ano po ang pinakamabisang gamot sa butlig ng sisiw?
ReplyDeleteanong sakit po ba dok yong ang manok ay naglalaway hanggang mamatay
ReplyDeletePwede po bang bakunahan ng coryza kahit may sipon ang mga manok?
ReplyDeleteDok anong gamot sa manok na sumusuka o ang plema ay kulay dugo?
ReplyDeletemukhang ILT yan kuya, antibiotic na matapang ang kelangna nyan. i-contact niyo ang vet nyo
DeleteSir.tanong lang po.anongnsakit po ba ung hingal na hingal ang manok pag katapos dahan dahan na nang hina ang tuhod at dumapa nalang pag lipas ng dawang araw or tatlo namamatay na?maraming salamat po
ReplyDeleteposibleng newacsatle disease or bird flu. tawagan nyo ang vet nyo
DeleteSir tanong lg po..ano po gmot sa pamamaga ng lalamunan ng manok..wla nmn po cya sipon..
ReplyDeleteposibleng may fowl pox o ILT yung manok no kuya. walang antibiotic dyan kasi viral infection.
DeletePlease like the facebook page for more queries and bookings:
Deletehttps://www.facebook.com/PoultryOnlineConsult/